Mark 14:1-2

Ang Planong Pagpatay kay Jesus

(Mat. 26:1-5; Luc. 22:1-2; Juan 11:45-53)

1Dalawang araw na lang noon bago sumapit ang Pista ng Paglampas ng Anghel
Pista ng Paglampas ng Anghel: Tingnan sa Exo. 12:1-30 kung paano nagsimula ang pistang ito.
at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng pagkakataon upang lihim nilang madakip at maipapatay si Jesus.
2Sinabi nila, “Huwag nating gawin sa pista dahil baka magkagulo ang mga tao.”

Copyright information for TglASD